Ang blog na ito ay patungkol sa aming mga kagustuhan at kung paano namin naeenjoy ang mga ito.
Sunday, August 15, 2010
Signal No. 3: Walang Pasok!!! (Jerrette Manahan)
Signal no. 3. Ito ang linyang hinihintay ko kadalasan tuwing malakas ang ulan at di maganda ang panahon. Sa ganitong dahilan, nagagawa kong gawin ang ang mga bagay na gusto ko. Halimbawa na lamang ay ang mahabang pagtulog. Nasisiyahan ako sa tuwing matutulog ako nang matagal. Isa pa, nakakapanood ako ng programang gusto ko sa telebisyon. Lagi kong inaabangan ang mga anime na gusto kong panoorin, o di kaya'y mag-movie marathon sa bahay. Nakakatuwa pa dahil di ko mararanasan ang "super dooper killer glare" ng aking guro na lubhang napakatapang. Walang alalahanin, walang nakakaantok o boring na professor, walang reviews, walang activities at higit sa lahat... walang exam! Ang saya, hindi ba?
Masarap isipin na tatambay ka lang sa loob ng bahay habang kumakain o humihigop ng mainit na sabaw, o di kaya'y mag-soundtrip lang habang nagbabasa ng libro. Nakapag-enjoy ka na, nakatipid ka pa ng pera. Tama! Kapag walang pasok, syempre walang baon, kaya naman, hindi na makukunsumi sina mommy at daddy sa tuwing babanggitin ko ang linyang "Mom, dad, where's my... baon?". Mabuti na nga lang at di pa nila ako nababatukan. Ayun. Laking tipid!
Isa pa, nakakapag-chat o nakakapag-text din ako sa mga kaibigan at kaklase ko. Tuwang-tuwa din sila dahil wala kaming klase.
Ang kaso nga lang, hindi na madadagdagan ang aking kaalaman. Kapag walang pasok, syempre wala ding new knowledge, pero okay lang. Pwede namang mag-self study diba? :D
Ang saya talaga humilata at mag-isip ng gagawin sa buong maghapon! Tulog, kain, pahinga, basa, nood.
Hay. Pag-alis ng bagyo, may pasok ulit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment