Sunday, August 15, 2010

Baon! Baon! Addition Please! (Jo Frances Cruz)


Naniniwala ako na lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang kagustuhan. Maaaring materyal man o hindi. Pero nasisiguro ko na mas marami tayong naiisip na gustong materyal na bagay, iyong nabibili ng pera. Ang kaso, kulang ang allowance natin para dito. Kaya nga ba nasasabihan ng karamihan sa atin ay "Kailangan ko ng dagdag sa allowance ko.". Ako, marami rin akong gusto. Ako pa?! Ilan sa mga ito ay load, bagong gadget, at bilang kabataan na sumasabay sa uso, gusto ko ng bagong damit at accesories.

Siguro naman ay pamilyar tayong lahat sa salitang text message, at lalo naman siguro ang mga salitang textmate at unli. Ilan lang ito sa mga salitang halos araw-araw na binabanggit ng mga mamamayan ng Pilipinas, to be more specific, ng mga kabataan. Eh halos kalahati ng mga allowance nila eh dun napupunta sa load. Paano ba naman ay karamihan sa kanila ay adik sa text. Isa ako sa nga kabataang iyon. Dahil sa text lang ay nakakausap at nakakamusta ko ang mga kaibigan at kamag-anak ko na nasa malayong lugar, pati na din ang special someone ko, ika nga. At dahil sa kagustuhan kong makatext siya lagi, pati load niya ay sinasagot ko na. Minsan nga, para lang magka-load kami ay tinitipid ko ang sarili ko, kaya hinihiling ko na sana ay madagdagan ang baon ko.

Cellphone, MP4, Laptop, Iphone, etc. Ilan lang yan sa mga bagong gadget na gusto ko. Sino ba namang hindi nagnanasa na magkaroon ng mga ito? Kaya gusto ko nito kasi naiinggit ako kapag mayroon akong kaibigan na may ganito. Ang tingin kasi sa'yo ng tao kapag meron ka nito ay mayaman ka, kakaiba. Saka minsan, nakakatulong ito sa pag-aaral. Halimbawa na lamang ay ang laptop. Imbes na maghintay ka ng napakatagal sa computer shop ay makakapag-research ka kagad.

At ang panghuli, gusto ko ng dagdag na baon kasi gusto kong makabili ng original at branded na damit. Iyong high heels, boots, at sandals. Lagi ko kasing nakikita ang tita ko na maayos at magaganda ang gamit.

Ilan lang ang mga ito sa nais kong mabili pero dahil sa kulang sa pera ay hindi ko makuha. Kaya ang sigaw ko ay... "Baon, baon additon please!"

No comments:

Post a Comment