Ang blog na ito ay patungkol sa aming mga kagustuhan at kung paano namin naeenjoy ang mga ito.
Sunday, August 15, 2010
Libre!!! (Caseylyn Geronimo)
Gusto ko yung panlilibre sa akin ng mga kaibigan ko, dahil hindi lang ako nakakatipid, iwas pa ako sa gastos. Katulad na lamang sa pagpasok sa eskwelahan kapag magkakasama kaming mga magkakaibigan at nagkayayaang kumain. Libre nila iyon at natutuwa ako dahil di ko magagastos ang pera ko at pwedeng-pwede ko pa iyong ipunin para ipangbili ng mga bagay na gustong-gusto ko.
Minsan, kapag nililibre nila ako, hindi kagad mahahalata na wala akong pera, kusa naman nilang ginagawa iyon, at hindi ako nagprepresinta na ilibre nila ako. At kaya nga panlilibre, ibig sabihin, bukal sa loob nila na gawin iyon.
Sa pagkakataong yun, malalaman mo din ang ugali ng isang kaibigan o higit pa. Mas mapapalapit ka sa kanila. Minsan, hindi maiiwasang magkayayaan kaming pumunta sa
isang lugar o gumimik. Mag-eenjoy ka nang walang iniintinding gastos.
Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganoon ang kanilang gagawin. Hindi naman sa umaasa lang ako sa kanila. Dadating din yung oras na ako yung babawi sa kanila at dapat ay matuto tayong magpasalamat sa mga ginagawa ng mga kaibigan natin. Hindi lang sa panlilibre nila kaya ko sila naging kaibigan, dala na din yun ng aking mabuting pakikisama sa bawat isa sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment