Sunday, August 15, 2010

Lab ko na si Prof! (Cherrylene Mendoza)


"Oops! Umamin ka! Ito rin ay gustong-gusto mo!"

Saya ng buhay kung araw-araw ay ganito. Kung ito ang ekspiryensya ko lagi, malamang pawi kaagad ang pagkakunot ng kilay ko.

"Hay naku! Wala pa ngang pumapasok sa isipan ko, ni alam kong kawalan pa nga ako pero aaminin ko, sumasaya ang araw ko kapag nangyari ito sa loob ng isang linggo..."
Ano pa ba ang tinutukoy ko? Eh di ang maagang pag-dismissed ni teacher ng klase ko!

Madalas mag-OT si prof, lalo na kung may mga pagsasanay pang dapat gawin sa klase. Kung dumating ay mukhang nagmamadali pa, pero alam ko na ang dulot ng overtime na ito ay nakakadagdag ng kaalaman sa isipan ko. Bueno, sige nga, nakasisigurado ako na ayaw at asar ka sa mga pangyayaring tulad nito lalo na kung inis ka din sa professor na napunta sa'yo.

Malimit kung gawin ng isang prof ang ganitong senaryo:

"Oh class, maaga ko kayong palalabasin ngayon, may mahalaga kasi akong pupuntahan."

Kung sa unang pagpapaliwanag niya ay nagbibingi-bingihan ka lamang, dahil sa ayaw mo mo ng talakayan, naku! Dito, daig mo pa ang kuneho sa talas ng pandinig mo!

Nataranta at kitang-kita ang pagkasabik sa mukha nang bitbitin ang bag sabay karipas paglabas. Kulang na lang ay daanin sa sayaw upang mailabas ang walang kaparang katuwaan. Tuwang-tuwa? Daig pa yata ang nanalo sa lotto nito. Kung sa bagay, pupwede mo nga naman na gawing parke ang eskwela dahil sa marami ka pang oras na natitira.

Pero paano kung sabihin ni teacher na "mag-advanced reading" na lamang dahil nga sa maagang lumabas at may pagsusulit pa sa susunod na pagkikita! Ewan ko na lang... Basta, kapag maaga ang uwian at walang overtime, pakiramdam ko na maaga ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sa buhay ng isang estudyante, nagsisilbing pagdiriwang na kapag ang paglabas ay maaga. Ngunit, magkakaroon ito ng di magandang dulot sa atin. Advanced reading? Give me a break!

"Syempre, syempre pandelemon!" paborito ito dahil nakakasobra sa baon.

Huwag nang ikunot ang kilay, si prof hinding-hindi sasablay kaya umamin ka, ito'y gustong-gusto mo din... pag-dismissed niya ng maaga sa klase ay palagiin nang kasiyahan sa buhay ng estudyante.

videokeman mp3
Iskul Bukol – Joey De Leon Music Code

No comments:

Post a Comment